Huwebes, Marso 27, 2014

Bakit di ka Cras ng Cras mo?


Marahil marami sa ating mga kabataan ngayon ang agresibo sa sex at kung ano-ano pang mga kamunduhang pag-iisip, may mga nabubuntis ng dis oras ng gabi..at minsan kung saan saan nalang mapajeep,mapakalye,mapacr.. aba e lahat nalang ata kulang nalang pati sa gitna ng daan e gawin narin..
 ( huh!? anong konek? )

So tungkol saan ba ang isusulat ko? saan nga ba? ah yes.. tungkol sa C.R.U.S.H in English , P.A.G.H.A.N.G.A sa tagalog. Bakit ba hindi mamatay-matay ang isyong ito? kasi nga ayon sa sobrang makalumang version ng kasabihan nating mga kabataang Pinoy "Abormal ka pag wala kang CRUSH" aba'y Crush eh nadamay pa sa mga makaEXAGGE na pag-iisip nire..Okay by the way, what is CRUSH? o ayan pang Ms. Universe na tanong..pero para sa aking pipitsuging opiniyon (pero may SENSE) ang CRUSH ay isang PAGHANGA, Hindi PAG-IBIG, marami parin kasing nalilito at hindi alam ang difference ng CRUSH sa LOVE.. aba ei unang kita palang LOVE na agad tas pagkatapos nun lalabas galing SOGO buntis na? ano to? CANDY CRUSH? bring down all the ingredients in a limited time? . At isa pang depinisyon ng CRUSH, ito ay ang mid-stage ng FRIENDSHIP, dito mo nalalaman lahat ng bagay tungkol sa kanya..mga bagay na paborito niya.. mga color na gusto niya, may pa FLAMES FLAMES ka pa sa paper mo na halos magkanda ubos-ubos na sa dami.. goodness hinde nman totoo yan ei! (FOR ME). Para kasi sa akin ang CRUSH ay sakop parin ng FRIENDSHIP at ang love na nadarama mo kapag kasama mo si crush ay hindi yun LOVE na involve sa relationship, isa lang yung  paghanga..dahil gusto mo nga siya yung ugali niya dahil..dahil nasa kanya na ang lahat.. Yun!

Marahil ang iba sa inyo ay naghihikab na with matching takip ng bibig and sabay aamuyin kasi nga nabobored na sa kababasa nitong blog ko, well ang rule ko nman ay WAG NG IPAGPATULOY>>

okay here it is na talaga..

Marami sa atin na hanggang pangarap nalang na malaman mong CRUSH ka rin ng CRUSH mo kasi pag nangyari yun aba'y "ANG SARAF SARAF ng FEELING" hahahahahahhaah!! oo totoo yun kasi lahat naman tayo ay nag ka crush na. PERO  ang isang malaking tanong PAANO  mo ba  malalamang CRUSH  ka niya in RETURN!

Okay based on my TRUE LIFE EXPERIENCE here are the ways para malaman mo kung may paghanga siya sayo:


TANDAAN: Ang CRUSH ay hindi LOVE it is PAGHANGA
     

STEP no. 1: LOOK AT HIS/HER BODY LANGUAGE

Okay.. kaya ko toh.. please be reminded na mag kaiba ang body language ng girl sa boy.Mas madali kasing tignan na hinahangaan ka ng boy kesa sa girl. this is SURELY 101.1% true!!

FOR BOY: Malalaman mong crush ka niya kung ang toes ng paa niya ay pointing towards YOU-TOTOO ito dahil ang mga lalaki nakaturo ang mga toes nila sa direksyon na gusto nilang puntahan. So, pag pasimple mong titignan ang paa ng crush mo and its pointing towards you .. ano pa bang masasabi ko eh di "PAG IBIG NA ITUUUU"

FOR GIRL: Malalaman mong crush ng isang girl kung lagi siyang naka SMILE kapag titingin siya sayo. Yes this is really true! ALam mo yung nakita mo siya around the campus na medyo bad mood pero pag nakita ka lang niya she will turned into a pretty little angel.



STEP no. 2: EYE COMMUNICATION

Okay sa part na ito medyo mahirap i apply but it's up to you kung gusto mo siyang gawin. This is applicable for boys and girls.. well,well katulad niyo rin naman akong nag se-search sa net ng mga ways kung paano mo malalaman crush ka ng crush mo..siyempre always involved si EYE CONTACT..Ayon sa aking napag alaman, kapag crush ka ng crush mo..when you look at his or her eyes his/her pupils will dilate meaning mag e-expand dahil nakita ka niya  BUT!!mahirap itong ma-catch up pero there is an easy way para malaman mo  kung hinahangaan ka rin niya .

 FOR SHY TYPE PERSONS: Pag crush ka ng isang shy type na tao hindi nito kayang tumingin ng 5.50 seconds ng diretso sa mga mata mo.. minsan 3 lang kasi nga mahiyain sila my gosh! pero this is true!

FOR NORMAL TYPE: Para sa mga normal type nman,, ang mga mata ng mga ito ay NANGUNGUSAP meaning pag nag-uusap kayo nakalaan lang lahat ng atensyon ng mga mata niya sa mga mata mo ng matagal.. ang isang paraan para malaman mo ngang crush ka niya ei when he/she looks at you for about 6 seconds then ngingiti and mag-iiba ng direksyon ang mga mata niya atsaka pag nag start ka ng mag convo AYON WAPAK SAPAK SUKAT ..HE or SHE is really into you!!



STEP no. 3: TOUCH MOVE

Okay touch move is not chancing chancing or whatever a term .. ito ay isa sa mabisang paraan though kahit nangyayari ito sa normal na magkaibigan ay mayroong sariling version ng touch move pagdating sa CRUSH.

UNA: HE/SHE touches you lalo na kapag nag bibiruan..nakikipag kulitan..nakikipag asaran..minsan pag sinuntok mo susuntukin karin niya, tapos magkakabanggaan kayo sa hallway apos madadapa kayo hahawakan yung kamay mo then maglalapit ang mga mukha niyo tapos ikaw pipikit-pikit pa tapos ilalagay niya ang kamay niya sa mukha mo tapos tatanggalin lang pala yun dumi sa buhok mo...hayy....ang sarap mag-imagine ng ganun noh? AGREEE?



STEP no. 4: SPEAKING in PAUTAL-UTAL version..

Okay common sense na yan ha..


STEP no. 5: GET WELL CONNECTED

At isa sa pinaka mabisang step sa lahat ng step na ibinigay ko ay ang maintenance of his/her connection to you like pagkuha niya ng number mo kung hindi sayo sa kaibigan mo, pag stalk niya sayo sa fb, pag cha-chat niya sayo ng madalas, pag tetext sayo lagi-lagi at magrereply agad agad pagkatext mo san kanya, nilalike niya ang profile pic mo, kino-complement niya ang kagandahan o ang kagwapuhan mo..and so many to mention.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento