Huwebes, Marso 27, 2014

Mathematics is Sipnayan



Ewan ko ba kung bakit pag naririnig na ang subject na 'MATHEMATICS' ay bigla nalang nagkakaroon ng stampede sa Glorietta at nagkakaroon ng malawakang pagsabog ang utak ng mga estudyante? BAKIT?

Sabi nga nung teacher ko sa Highschool, "If you love Mathematics,then Mathematics will love you back."(May buhay?!!) hahaha baleeeeeew lang..

Pero maski ako ay nahihirapan din naman sa Mathematics, sa katunayan nga eh line of 9 ang grades ko sa Trigo at di naman ako bumabagsak sa Algebra, Solid Meansuration at Analytic Geometry dahil puro line of 8. (hahaha! nagyabang?!) di joke lang. Aaminin ko, hindi naman talaga ako magaling sa Math, nag-aaral lang talaga ako atsaka medyo nakaka-catchup ako sa mga lessons (hahaha!nagyabang ulet?)

Sabi kasi nila, pag ang isang tao ay magaling sa Math, mahina sya sa English. (parang ako ulet) Pero pag mahina sya sa English at alanganin din sya sa Math, ay ibang kaso na yan.. hahaha (joke lang, walang kasong ganun)

Okay.Okay. So, buti nalang na English language ang ginagamit sa Mathematics, kasi iisipin mo.. Paano pag naging tagalog yan? kaya nga diba? Prerequisite ng Math ang English? hahaha joke lang (ulet) kasi kung di ka marunong magbasa ng English, aba'y patay kang bata ka..

So ito yung mga halimbawa ng Mathematical terms na trinaslate sa tagalog.

pamilang = numeral

buumbilang = integer

bahagimbilang = fraction

panakda = numerator

pamahagi = denominator

panandaan = algebra

At ito naman ang halimbawa ng makabagbag-damdaming Math problem

 Hanapin ang Pinakamababang Kaparehang Pamahagi - ito ay ang pinakamaliit na numerong maaaring hatiin sa dalawang pamahagi na 30 at 20. Kung nahihirapan kayong hanapin ang, maaaring paramihin ninyo ang dalawang  pamahagi na 30 at 20 at ito ang kuhanin. Maari ring hanapin ang Mababang Kaparehang Marami ==> ang pinakamaliit na produkto ng 2 pamahagi kung pararamihin sila sa mga numerong pamilang
 ( 1, 2, 3, 4 ... atbp)

Oh diba? NOSEBLEED at Internal Hemorrhage ang aabutin mo. 

Pasalamat nalang tayo a English ang Sipnayan este ang Math.
 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento